John-Estrada-copy

ILANG linggo na ang nakararaan simula nang talunin ni John Estrada sa Star Awards for Television si Jake Cuenca bilang Best Drama Actor pero hanggang ngayon ay may mga pahayag pa rin si Jake tungkol sa pagkatalo niya.

Nagkaroon ng sagutan sa print ang magkabilang panig kaya medyo lumalala ang isyu ni John at ni Jake. Sobrang disappointed ang huli na aminadong nag-expect talaga siyang mapapanalunan niya ang nasabing katergorya.

May mga binanggit pa si Jake sa mga nag-interbyu sa kanya na talagang sumama nang husto ang loob niya at matagal niyang natanggap na tinalo siya ni John, huh!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I’m sure, hindi siya ganu’n ka-happy sa akin,” banggit tuloy ni John Estrada nang makausap namin at idinagdag na sa pagkakaalam niya ay wala silang naging samaan ng loob, kaibigan niya si Jake na isa sa madalas niyang nakakausap noong ginagawa nila ang Ikaw Lamang.

“Kaibigan ko si Jake, I like Jake. I always tell him during tapings namin na, for me, this is his best performance ever. In-acknowledge ko ’yun. Now, no’ng ako ay nanalo, na hindi ko naman talaga ini-expect, ano ba ang sasabihin ko, thank you ba o natsambahan ko lang?” sabi pa ng kausap namin.

Naniniwala si John na lahat silang mga nominado ay may karapatang manalo bagamat mas mapalad siya dahil sa kanya ibinigay ang tropeo.

Ipinagmamalaki ni John na may anim na acting awards na siya. Kumbaga, sa mga nagkukuwestiyon sa pagiging drama actor niya, malaking patunay na ang anim na acting awards niya, huh!