KALIBO, Aklan— Balik na sa normal ang mga flight sa Kalibo International Airport (KIA) sa Kalibo, Aklan matapos isang eroplano ng AirAsia Zest ang lumihis sa runway noong Martes ng gabi.

Ayon sa Kalibo office ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP-Kalibo), 14 na flight ang naapektuhan nang pansamantalang magsara ng air traffic ang paliparan.

Nagpatuloy ang outgoing at incoming flights sa airport noong Miyerkules.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng CAAP-Kalibo, palapag ang AirAsia Flight Z2272 sa KIA runway dakong 5:30 p.m. mula Manila noong Disyembre 30 nang malihis ito sa runway.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng AirAsia Philippines na ligtas ang lahat ng 153 pasahero at crew. Karamihan ng mga pasahero ay mga turista na magbabakasyon sa Boracay Island.