LIPA CITY, Batangas - Inaalam pa ng mga awtoridad ang suspek sa pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon matapos tamaan ng ligaw na bala ang isang dalagita sa Lipa City.

Sugatan ang hita ng 12-anyos na si Apple Gian Lim, matapos tamaan ng bala ng baril habang naglalakad sa loob ng kanilang subdibisyon sa Catalina Village, Barangay Sico sa lungsod.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:05 ng madaling araw noong Enero 1, naglalakad ang biktima kasama ang mga kaibigan malapit sa basketball court nang tamaan siya ng ligaw na bala.

Dinala sa Fernando Air Base Hospital ang dalagita at doon nilapatan ng first aid bago isinugod sa Lipa City District Hospital.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20