Upang simulan ang taon na may “optimism and a renewed sense of fulfillment in teaching,” hinimok ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng school personnel na magkaroon ng positibong disposisyon sa kanilang pagbabalik sa klase.

Hinihikayat din ni Education Secretary Armin Luistro, sa kanyang DepEd Memorandum No. 137 series of 2014, ang DepEd personnel—partikular ang mga opisyal ng paaralan at mga guro — na “wear a smile.” Magpapatuloy ang klase matapos ang Christmas vacation sa Enero January 5, 2015.

Sa pagngiti, pagdidiin ni Luistro, ay magiging kwalipikado ang isang school personnel sa “Search for the Happiest Pinoy,” ng Cebuana Lhuillier. Ang magwawagi ay tatanggap ng P 1 milyon habang ang mga runner-up tatangap ng R50,000. Ang special prize na R25,000 ngayong taon ay ibibigay sa “Happiest Student.” - Ina Hernando Malipot
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3