CABANATUAN CITY - Walang tigil na umiikot sa mga pamilihan ang grupo ng Department of Trade and Industry
(DTI)-Nueva Ecija para bantayan ang presyo ng mga produktong pang-Media Noche ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon sa Miyerkules ng hatinggabi.
Ayon kay DTI-NE Director Brigida Pili, tinututukan ng kagawaran na mapanatili ang presyo ng mga produktong pagkain na karaniwang inihahain tuwing Media Noche.
Nakatuon din, aniya, ang pansin ng DTI sa timbangan ng ilang mapagsamantalang negosyante, partikular ang nagbebenta ng karne ng baboy, baka at manok at iba pa, bukod pa sa bigas at mga prutas.