Dalawang kongresista na kabilang sa Party-list organization ang nagmumungkahi na pagkalooban ang maliliit na magsasaka at agricultural producers na social support at proteksiyon upang maiangat ang kanilang kalagayan at makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya at ng lipunang Pilipino.

Ipinapanukala nina Reps. Walden F. Bello at Ibarra M. Gutierrez III (Party-list, Akbayan) ang pagkakaloob ng buwanang pensiyon na P1,500 sa magsasaka na 65- anyos pataas. Ang monthly pension ay dapat na i-adjust para sa inflation tuwing ika-3 taon.

“One of the greatest ironies of our times is that the country’s food producers are also the ones that are highly vulnerable to hunger because of poverty,” ayon sa dalawa.
National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!