SAN ANTONIO (AP) – Kinailagan ng tulong ng San Antonio Spurs makaraang magtamo ng injury ang key players nito at makatikim ng sunod-sunod na pagkatalo.
Ang pagbabalik ni Patty Mills ang nagbigay-buhay sa Spurs, at ang mapagwagian nila ang emosyonal at pisikal na matchup kontra Houston Rockets ang nagbigay sa kanila ng kanilang talagang inaasam – ang isang panalo.
Gumawa si Danny Green ng 24 puntos at napigilan ng San Antonio ang isang late rally upang talunin ang Houston, 110-106, kahapon, at putulin ang kanilang six-game skid laban sa kanilang intrastate rivals.
Si Mills ay nagtapos na may walong puntos, lahat sa final quarter, ngunit ang kanyang enerhiya ang siyang nagpaapoy sa koponan at upang tulungan ang Spurs na tapusin ang kanilang two-game skid. Ang 6-foot guard mula Australia ay iniangkla pa ang surgically repaired na kanang balikat para sa loose ball sa first half.
‘’His energy, just his activity is was contagious,’’ sabi ni San Antonio forward Tim Duncan. ‘’It was great for us; brought a huge spark to the team.’’
Si Duncan at nagtala ng 16 puntos at 15 naman ang kay Manu Ginobili para sa Spurs (19-13).
Umiskor si James Harden ng 28 puntos habang 25 puntos at 17 rebounds ang ibinigay ni Dwight Howard para sa Houston (21-8). Ang mga bagong salta sa Rockets ay nagbigay din ng kani-kanilang kontribusyon: naglista si Corey Brewer ng 25 puntos at lima naman ang kay Josh Smith.
‘’We weren’t really sharp all night,’’ ani coach ng Houston na si Kevin McHale. ‘’They beat us on back cuts. They beat us on cuts and we weren’t as sharp as we needed to be and the turnovers just killed us tonight, 25 of them, just too many turnovers.’’
Sinisi ni Harden ang sarili nang tanungin kung ano ang nagbago sa opensa.
‘’Me, myself. I was terrible, terrible,’’ sabi ni Harden. ‘’Just too much indecision, which is rare for me.’’
Nagkaroon ng 12-4 spurt ang Rockets, kabilang ang 3-pointer ni Harden sa harapan ni Duncan na nagdikit sa Houston sa 106-103 sa nalalabing 52.1 segundo.
Matapos magmintis ni Green sa isang 3-pointer, nai-dribble ni Harden ang bola papalabas ng court para sa kanyang ikasiyam at huling turnover.
Nakagawa ng apat na sunod na free throws si Green sa huling minuto at tinulungan ang San Antonio na maiwasang magtungo sa overtime sa ikaapat na pagkakataon sa kanilang huling anim na home game.
Sa pagkawala pa rin nina Tony Parker at Kawhi Leonard, kinailangan ng Spurs ng ayuda at ibinigay ito ni Mills.
‘’I was excited, it felt a lot longer than it actually was,’’ saad ni Mills tungkol sa kanyang absence. ‘’Knowing I was getting the chance to play again was great. I had a great sleep last night and great game-day nap.’’
Nakatanggap si Mills ng malakas na ovation sa kanyang pagpasok sa laro may 3:28 nalalabi sa first quarter.
Resulta ng ibang laro:
Detroit 103, Cleveland 80
Dallas 112, Oklahoma City 107
Toronto 116, Denver 102
Portland 101, New York 79
Phoenix 116, LA Lakers 107