Lima katao ang sugatan makaraang magsalpukan ang apat na sasakyan sa southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEx), kahapon ng umaga.

Sinabi ni Garry Lorenzo ng NLEx Traffic Control, naganap ang insidente sa bahagi ng Pulilan, Bulacan.

Batay sa imbestigasyon, bumangga ang isang pick up sa sinusundang kotse nito bago bumalandra ang una sa center island.

Nang makita naman ang insidente, biglang huminto ang isang Ford Everest pero bumangga sa likuran nito ang isang Isuzu Crosswind.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Agad naman isinugod sa ospital ang limang biktima na nagtamo ng sugat at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagdulot ang matinding ng trapik na umabot ng dalawang kilometro.

Ganap na 8:00 ng umaga, naitabi na gilid ng highway ang mga nagkarambolang sasakyan upang maibsan ang pagbibigat ng trapik sa lugar.