Jennylyn-Derek-copy

NANG imbitahin si Jennylyn Mercado para sa 40th Metro Manila Film Festival awards night ay hindi niya naisip na magwawagi sila ni Derek Ramsay ng award.

Sabi mismo ng aktres sa panayam sa kanya pagkatapos ng awards night, “I swear hindi ko in-expect na bibigyan ako ng ganitong klaseng award. First time namin gumawa ng comedy. Nakakagulat talaga. Ako, wala akong ini-expect na kahit ano.

“Basta ang sa akin lang, ang wish ko lang, basta ‘yung mga tao pagkatapos panoorin ‘yung pelikula namin, masaya, nakangiti, na hindi nasayang ‘yung pera nila.”

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Kaya nga raw wala rin ang leading man ni Jennylyn na si Derek dahil hindi nila inasahan, kaya nga wala rin silang victory party na nakahanda.

“Hindi namin napag-usapan, kasi, tingnan mo hindi nga siya nakapunta. So kami pareho hindi nagi-expect. Nandito ako to support my English Only family,” sabi pa ng aktres.

Maging ang manager ni Jennylyn na si Tita Becky Aguila ay tuwang-tuwa habang nasa bahay nang ibalita sa kanya ang nangyayari sa Gabi ng Parangal dahil delayed telecast naman ito sa telebisyon.

Ito ang unang comedy film ni Jennylyn na sinuwerte pang nakasungkit ng best actress trophy.

“Kasi ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity na makagawa ng isang comedy project, so proud ako kasi ito ‘yung unang-una kong comedy ‘tapos nagkaroon pa kami ng maraming award. Sa totoo lang, napakahirap magpatawa, timing talaga,” say ng aktres.

Nagustuhan na ni Jennylyn ang rom-com at hoping siya na may mag-alok uli sa kanya ng ganitong project.

“Marami pa sanang rom-com. I enjoyed it talaga, oo naman. Napakaagaan, masaya. Importante para sa amin na lumabas ‘yung mga manonood na masaya, na hindi nasayang ‘yung binayad nila. Looking forward ako sa mga ganung projects,” say pa ng aktres.

Sobrang proud kay Jennylyn si Tita Becky base na rin sa post niya sa Facebook: “Congratulations JEN! Finally nasungkit mo na din ang mailap na Best Actress Award after 10 years in this business, you have proven your worth and versatility! We are all so proud of you! Love you, Beh! Thank you, English Only, Please! THANK YOU LORD!”