aJennylyn-MMFF-Awards-Night-521x500

ANG biopic ni Andres Bonifacio, ang romantic comedy na English Only, Please at ang Kubot: The Aswang Chronicles 2 ang runaway winners sa 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal na ginanap sa Plenary Hall ng Philippine Convention Center (PICC), noong Sabado, December 27.

Naging hosts ng gabi sina Edu Manzano at Kris Aquino.  Dapat ay si Vice Ganda ang co-host ni Kris sa first part ng programme at si Edu sa second part pero hindi kaya ni Vice dahil kahapon na, December 28 ang interment ng kanyang Lolo Gonzalo.  Reportedly, ngayong Lunes ay magbabakasyon muna si Vice sa Hong Kong. Kaya magkasama nang nag-host sina Edu at Kris sa kabuuan ng programa.

Robin-Padilla-MMFF-448x500

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ay nag-uwi ng siyam na awards, kasama ang Best Picture, Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award at Youth’s Choice Award.  Pitong awards naman ang iniuwi ng English Only Please, kasama ang 2nd Best Picture, Best Actress, Best Actor at Best Director.  Maaga namang wedding gift sa isa sa producers ng Kubot: The Aswang Chronicles 2, si Dingdong Dantes, ang anim na tropeo kasama ang 3rd Best Picture at Best Supporting Actress at Best Supporting Actor.

Walang tinanggap na tropeo ang ibang entries, si Ryzza Mae Dizon ang nanalong Best Child Performer para sa My Big Bossings.  Nagkatawanan ang audience nang manalo si Derek Ramsay at sabi ni Kris: “Robin, Coco, talagang ganyan ang buhay. Okey na Coco na top-grosser ever for a horror movie ang Feng Shui.”

Happy na si Kris na nominated for best child performer ang anak na si Bimby Aquino Yap para sa The Amazing Praybeyt Benjamin at sila raw naman ang top-grosser ng festival.

Si Jennylyn Mercado ang tumanggap ng award ni Derek Ramsay at sinalubong siya ni Edu habang paakyat ng stairs at beso-beso sila ng dating girlfriend ng anak na si Luis Manzano.  Binasa ni Jennylyn ang text ni Derek na “sorry, ma-traffic sa EDSA,” ang famous line ni Jennylyn sa English Only, Please, kaya hindi ito nakarating.

Sa Appreciation Party kaya ng 40th MMFF, sinu-sino ang mababawasan ng incentives dahil hindi nag-attend ng parade of stars noong December 23 at hindi nag-attend ng MMFF Gabi ng Parangal?

Narito ang listahan ng mga nanalo:

MAIN COMPETITION:

Best Picture: Bonifacio: Ang Unang Pangulo

2nd Best Picture: English Only, Please

3rd Best Picture: Kubot: The Aswang Chronicles 2

Best Actor: Derek Ramsay, English Only, Please

Best Actress: Jennylyn Mercado, English Only, Please

Best Director: Dan Villegas, English Only, Please

Best Screenplay: English Only, Please

Best Original Story: English Only, Please

Best Supporting Actress: Lotlot de Leon, Kubot: The Aswang Chronicles 2

Best Supporting Actor: Joey Marquez, Kubot: The Aswang Chronicles 2

Best Cinematographer: Carlo Mendoza, Bonifacio: Ang Unang Pangulo

Best Editor: Marya Ignacio, English Only, Please

Best Sound Engineer: Bonifacio: Ang Unang Pangulo

Best Child Performer: Ryzza Mae Dizon, My Big Bossing

Best Musical Scorer: Von de Guzman, Bonifacio: Ang Unang Pangulo

Best Theme Song: Von de Guzman, Bonifacio: Ang Unang Pangulo

Best Make-Up Artist: Kubot: The Aswang Chronicles 2

Best Visual Effects: Mother Ship, Inc., Kubot: The Aswang Chronicles 2

Best Production Designer: Ericson Navarro, Kubot: The Aswang Chronicles 2

SPECIAL AWARDS:

FPJ Memorial Award for Excellence: Bonifacio: Ang Unang Pangulo

Face of the Night: Nadine Lustre

Youth Choice Film Award: Bonifacio, Ang Unang Pangulo

Best Float: Bonifacio, Ang Unang Pangulo

Special MMFF 40th Year Award: MMDA Chairman Francis Tolentino

Special Commemorative Award: Manila Mayor Joseph Estrada (binigyan din ng natatanging parangal si Guillermo de Vega na nakasama ni Manila Mayor Joseph Estrada sa pamumumuno sa pagbuo ng Metro Manila Film Festival). Si Mayor Erap ang itinuturing na ama ng MMFF

Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award: Bonifacio: Ang Unang Pangulo

NEW WAVE:

New Wave Best Director: Jason Paul Laxamana, Magkakabaung

New Wave Best Picture: Magkakabaung

New Wave Jury Prize: M: Mother’s Maiden Name

New Wave Best Actress: Zsa Zsa Padilla, M: Mother’s Maiden Name

New Wave Best Actor: Allen Dizon, Magkakabaung

New Wave Best Supporting Actress: Gloria Sevilla, M: Mother’s Maiden Name

New Wave Best Supporting Actor: Kristoffer King, Maratabat