Iisa ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang smuggling sa mga daungan sa Mindanao: kawalan ng manpower.

Sinisi ng Bureau of Customs (BOC) ang kakulangan nito ng mga tauhan sa pagpapatuloy ng smuggling sa rehiyon, partikular sa Zamboanga at Cagayan De Oro.

“Six to be exact, but one is sick and another one died,” sinabi ni BOC Deputy Commissioner for Enforcement Ariel Nepomuceno, sinabing ang mga Customs police na ito ay nakatalaga rin sa Sulu, Tawi-Tawi at Basilan.

Aniya, kulang na nga ang tauhan ng BOC ay mas mahirap pa para sa kanila ang tugisin ang mga smuggler na dumadaan sa karagatan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Undermanned kami,” ani Nepomuceno. “Ang sagot dyan ay ang agad na makapag-recruit at mag-deploy.”

Napaulat kamakailan ang talamak na smuggling sa Zamboanga at Mindanao Container Terminal, isang sub-port ng Cagayan de Oro.

Iniulat na ginagamit ang Zamboanga sa pagpupuslit ng 5,000 sako ng bigas mula sa Sandakan sa Malaysia. Galing naman sa Vietnamn ang iba pang ilegal na kontrabando ng bigas.

Hindi itinanggi ni Nepomuceno ang nasabing report at nagpunta pa sa Jolo at Zamboanga para mag-inspeksiyon sa mga daungan.