Upang malakas ang kampanya para sa transparency, accountability at mabuting pamamahala sa lokal na antas, palalakasin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang t amba l an ng grupong pangrelihiyon at local government unit (LGU) sa 2015.

“Kasama ang iba pang programa kontra-kahirapan na programa, nawa'y maipagp

atuloy at mapagtibay ng UBAS (Ugnayan ng Barangay at Simbahan) at HULMA (Huntahan ng mga Ulama at Liga para sa Mamamayan) ang mga repormang sinimulan natin upang maging handa tayong lahat para sa mga hamon ng hinaharap,” sabi ni Roxas sa pinakamalaking aktibidad ng UBAS kamakailan sa Palayan City, Nueva Ecija.

Sa tulong ng UBAS at HULMA, nahihikayat ng gobyerno, sa pamamagitan ng DILG, ang pakikilahok ng mga komunidad at iba’t ibang grupong pangrelihiyon na bantayan o watchdogs sa pagmomonitor ng mga proyekto ng gobyerno.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Naniniwala po tayo sa kakayahan ng mga ordinaryong mamamayan at ng Simbahan upang maging kabahagi natin sa Tuwid na Daan,” ani Roxas. Sa ngayon, ipinatutupad ang UBAS at HULMA sa 15 probinsiya at 10 lungsod sa 10 rehiyon sa pakikipagtulungan ng mga grupong Kristiyano at Muslim.

“May potensiyal ang mga programang ito na pag-isahin ang mga mamamayan anuman ang kanilang pagkakaiba sa relihiyon at paniniwala,” dagdag ni Roxas. “Lahat tayo ay naniniwala para sa kapakanan ng ating mga mamamayan kaya dapat tayong magtulungan upang magkaroon ng kapayapaan dahil kapag natapos ang mga hidwaan ay bibilis ang pag-unlad ng ating bansa.”