AMMAN (AFP) – Pinabulaanan kahapon ng Jordanian military ang mga ulat na pinagbabaril at pinabagsak ng grupong Islamic State ang isa sa mga warplane nito na bumulusok sa Syria, kasunod ng pagbihag ng mga jihadist sa piloto nito.

“First indications show that the crash of the Jordanian military plane in the area of the Syrian city of Raqa was not caused by Daesh fire,” sinabi ng isang opisyal ng military, tinukoy ang iba pang tawag sa IS. “But since the wreckage of the plane cannot be reached and since its pilot is not present, we cannot at this moment determine the exact cause of the crash.”

Binihag nitong Miyerkules ng IS si Maaz al-Kassasbeh, isang 26-anyos na first lieutenant ng Jordanian air force, matapos na bumagsak ang minamaniobra niyang F-16 jet habang nasa misyon laban sa IS sa hilagang Syria.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists