SEOUL, South Korea (AP) – Tinawag kahapon ng North Korea na “a monkey” si US President Barack Obama at sinisi ang Amerika sa pag-shut down ng Internet nito sa gitna ng alitan ng dalawang bansa kaugnay ng hacking sa pelikulang “The Interview”.

Matatandaang agad na pinabulaanan ng North Korea ang paninisi ng Amerika na may kinalaman ang una sa cyberattack sa Sony Pictures, pero nagpahayag ng matinding galit sa pelikula na nagtatampok sa kunwaring pagpatay sa leader ng bansa na si Kim Jong Un. Matapos magdesisyon ang Sony Pictures na kanselahin ang pagpapalabas ng pelikula na binatikos ni Obama, ipinalabas na ito sa mga sinehan ngayong linggo.

Kahapon, sinabi ng makapangyarihang National Defense Commission ng North na si Obama ang nasa likod ng pagpapalabas ng “The Interview”.

“Obama always goes reckless in words and deeds like a monkey in a tropical forest,” saad sa pahayag ng hindi nakilalang tagapagsalita ng Policy Department ng komisyon.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race