Posibleng pumasok sa bansa ang pang-20 at pang-huling bagyo, ayon sa Philippine Atmopsheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ito ay matapos mamataan ng PAGASA ang isang papalapit na low pressure area (LPA) na huling namataan sa layong 1,540 kilometro ng Silangang Mindanao.

Sa pagtaya ni weather forecaster Gladys Saludes ng PAGASA, malaki ang posibilidad na maging bagyo ang nasabing LPA at maaaring tamaan nito ang Eastern Visayas.

Pero, sinabi nito na depende pa rin ito sa epekto ng amihan na posibleng magpahina o magpalakas sa nasabing sama ng panahon bago ito mag-landfall.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Kapag tuluyan nang maging bagyo, papangalanan itong ‘Seniang’ na hindi umano kaagad na mararamdaman kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayon weekend.