BAGUIO CITY – Kritikal ang kundisyon ng isang babae matapos tumalon sa bus at tumama ang ulo sa kalsada noong Miyerkules ng umaga sa bus terminal sa Governor Pack Road sa Baguio City.

Nakilala ang biktima na si Shirley Lozano, tindera, kasalukuyang nasa Baguio City General Hospital.

Tumangging magpahayag ang pamunuan ng bus company sa nasabing terminal, ngunit handa silang magbigay ng tulong pinansiyal para sa biktima. - Rizaldy Comanda
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20