Ni REY G. PANALIGAN

Kinuwestiyon ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco Jr. sa Korte Suprema ang P2.6 trillion 2015 national budget na inaprubahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III dahil ito ay labag umano sa Konstitusyon.

Sa kanyang inamiyendahang petisyon, sinabi ni Syjuco na “unconstitutional” ang inaprubahang 2015 General Appropriations Act (GAA) sa ilalim ng Republic Act No. 10651 dahil naglamaman ito umano ng budget na may bagong depenisyon ng “savings” na nakasaad sa Konstitusyon.

Aniya, ang depenisyon ng “savings” sa ilalim ng Konstitusyon ay bilang surplues sa budget matapos makumpleto o pagbayad sa isang partikular na line item budget na kabilang sa GAA.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil dito, iginiit pa ng dating mambabatas na hindi ito maaaring maituring bilang “savings” dahil hindi naman ito nagamit.

“This we cannot accept without even lifting a finger. Hence, I am filing the present petition to stamp justice to every peso of the Filipino people which stand to be fiddled by unprincipled Gamoteaofficials,” pahayag ni Syjuco sa kanyang inamiyendahang petisyon.

Naka-recess ang Supreme Court hanggang Enero 9, 2015 at magbabalik ang sesyon sa Enero 12 para sa mga sangay nito at Enero 14 para sa en banc session.

Sa kanyang orihinal na petisyon na kanyang inihain bago maaprubahan ang 2015 GAA, sinabi ni Syjuco na ang mga lump sum amount sa National Expenditure Program (NEP) ay maaaring ituring bilang “pork barrel fund” tulad ng kontrobersiyal na Priority Development Assistane Fund (PDAF) na ideneklarang unconstitutional ng SC.