Binisita ng ilang madre si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang bahay sa La Vista, Quezon City, hapon.
Nilinaw ng kampo ng dating Pangulo, pawang kaibigan ng kongresista ang mga madre na namataan sa bahay nito.
Kabilang din sa mga dumalaw kay Arroyo ang mga kaanak ng pamilya nito, at si Elena Bautista-Horn, ang dating tagapagsalita ng dating Pangulo.
Nakauwi si Arroyo nang pahintulutan ito ng Sandiganbayan na makapagdaos ng Pasko sa kanilang bahay sa piling ng kanyang pamilya.
Gayunman, mula Disyembre 23 hanggang 26 lamang ang panahong ibinigay sa kanya ng anti-graft court.