MAAGANG saya ang hatid ng TV5 sa lahat ng mga Kapatid ngayong 2015 dala ng ‘New Year Artista search’ na bahagi ng ‘Happy sa 2015: The Philippine New Year Countdown’.

Inaanyayahan ang lahat na gustong maging artista na subukan ang kanilang pagkakataon at sumugod sa Quezon Memorial Circle sa darating na ika-31 ng Disyembre para mag-audition.

Puwedeng umarte, kumanta, sumayaw, magpatawa, o magpaganda at magpapogi lang – basta artistahin! Mag-sisimula ang registration sa ganap na alas-10 ng umaga.

Huwag kalimutang pumorma at magdala ng anumang valid ID. May tsansa ring maging parte ang mga mag-a-audition sa main event ng mismong New Year countdown na magsisimula sa ganap na alas-10 ng gabi.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Ang grand artista search ay isa lamang sa mga pasabog na hatid ng TV5 at ng QC Government sa pinakamalaki at pinakaengrandeng New Year countdown sa bansa.

May mga live band shows, street performances at LGBT parade din na gaganapin kasabay ng auditions. Meron pang mga palaro at mga sari-saring papremyong ipapamigay.

Pagsapit ng gabi, isang star-studded New Year special concert ang iho-host nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Alice Dixson at Derek Ramsay, na may mga live performances mula sa mga pinakasikat na Kapatid talents at iba pang special guests. Ilan lamang sa mga kumpirmadong artista sina Wendell Ramos, Empoy, Tuesday Vargas, Alwyn Uytingco, Martin Escudero, Katrina “Suklay Diva” Velarde, Tom Taus, Akihiro Blanco, Chris Leonardo, Alberto Bruno, Marvelous Alejo, Chadleen, Talentadong Pinoy 2014 Ultimate Talentado Neil at iba pang Hall of Famers, Philippine All Stars, Ritz Azul, Mark Neumann, Isabelle De Leon, Carl Guevarra, Gab Valenciano, Jasmine Curtis-Smith at si Ms. Kuh Ledesma.

‘Di dapat palampasin ang pinakamahaba at pinakabonggang New Year pyro-musical display at 3D mapping show sa mismong pylon sa gitna ng Quezon Memorial Circle.

Ang Happy sa 2015: The Philippine New Year Countdown ay ipapalabas rin nang live at exclusive sa TV5 simula 10:30PM.