Josh Smith

Pumayag si Josh Smith upang lumagda sa isang deal sa Houston Rockets, ayon sa league sources sa Yahoo Sports.

Pinakawalan ng Detroit Pistons noong Martes si Smith kung saan ay may dalawang taon at $26 million siyang nalalabi sa kanyang kontrata, ‘di makita ang trade partner at ‘di magawang makahakbang sa roster.

Lalagda si Smith ng one-year deal sa Rockets para sa biannual exception na $2 million matapos na makalaro nito ang waivers sa ganap na alas-5 ng hapon noong Huwebes. Inimpormahan ng kanyang agents, sina Brian Dyke at Wallace Prather, ang Rockets sa naging desisyon noong Huwebes ng tanghali, pahayag ng sources.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Naniniwala ang Rockets na makahahakbang si Smith bilang starting power forward spot.

Ang Rockets ay kasalukuyang nasa diskusyon sa trade na nakumpleto na noong Huwebes para sa usaping mailibre ang roster spot para palagdain si Smith, ayon sa league sources. Para sa Rockets, ang pagkakadagdag ni Smith ang magsasara para sa mahabang taong paghahanap ng mga may talento ngunit enigmatic power forward na magdadala sa kanya patungo sa frontline kasama ang kanyang childhood friend, ang sentrong si Dwight Howard. Ang Rockets ay may kasaysayan kay Smith, kabilang na ang free-agent pursuit noong 2013 na may signipikanteng factor sa pagpili ni Smith sa Houston kontra sa Dallas Mavericks, Los Angeles Clippers, Miami Heat at Memphis Grizzlies.

Matapos isagawa ng Pistons ang nasabing usapin sa pagpapakawala kay Smith noong Martes, agad na hinanap ng Houston si Smith kasama ang mensaheng mapanatili ang kanyang market value at kredibilidad bilang puwersa sa NBA. Ibinenta ng Rockets si Smith sa sistema ni coach Kevin McHale at sa roster ng teammates na anila’y batid nilang makatutulong si Smith para sa hinahangad na Western Conference championship. Hangad ng Houston na manumbalik kay Smith ang lakas sa shot-blocking at rebounding sa depensa, at pag-atake sa basket sa opensa.

Tinatarget ng Houston na palagdain si Smith bilang free agent noong summer 2013 at trinabaho ang ilang sign-and-trade proposals sa Atlanta Hawks, ngunit ‘di pa rtin nila nakuha ito. Lumagda si Smith sa four-year, $56 million deal sa Detroit noong 2013.

Si Smith, kinuha ng Atlanta bilang 17th overall pick noong 2004 NBA draft, ay may average na 15.4 points at 7.8 rebounds kada laro sa kanyang 11 seasons sa liga.