IMUS, Cavite – Isang bangkay ng lalaki, na may tama ng baril sa mukha at dibdib, ang natagpuan noong Martes sa madamong bahagi ng Daanghari Road sa Barangay Pasong Buaya sa siyudad na ito.

Iniulat na pulisya na ang hindi pa nakikilalang suspek ay binaril at napatay sa ibang lugar bagamat may basyo ng .9mm na natagpuan sa lugar.

Ayon sa report ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong 5:45 ng umaga nitong Martes nang matagpuan ng mga residente ang bangkay na agad nilang ipinagbigay-alam sa pulisya.

Inilarawan ni PO3 Sherwin de Guia Yaya ang bangkay na nasa edad 20-25 at may taas na 5’5”. (Anthony Giron)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20