Pangungunahan ni Pope Francis ang pagdarasal ng Orasyon sa pagtungo niya sa University of Sto. Tomas (UST) sa Maynila sa Enero 18, 2015.

Sinabi ni Giovanna Fontanilla, director ng UST Office of Public Affairs, na pangungunahan ng Papa ang pagdarasal ng Orasyon dakong 12:00 ng tanghali bago ito umalis sa unibersidad.

“There was no Angelus in the previous visit of Pope John Paul II… I am just not that sure with Pope Paul VI,” pahayag ni Fontanilla nang tanungin ng mga mamamahayag kung ito ang unang pagkakataon na pangungunahan ng lider ng Simbahan ang Orasyon sa UST.

Si Pope Francis ang ikatlong Papa na bibisita sa UST. Ang dalawa ay kinabibilangan nina Pope Paul VI at Pope John Paul II.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod sa pagdarasal ng Orasyon, sinabi ni Fontanilla na inaasahan ding magbibigay ng mensahe ang Papa sa kanyang pakikihalubilo sa kabataan sa football field ng unibersidad.

Ito ay susundan ng mga dasal at intercession sa iba’t ibang diyalekto na pangungunahan ng mga lider ng kabataan mula sa buong bansa.

Tatlong kabataan na kinabibilangan ng isang estudyante sa kolehiyo, isang out-of-school, at isang volunteer ng “Yolanda” relief operations ang magbabahagi ng kani-kanilang testimonya sa Papa.

Aabot sa 24,000 kabataan ang mapipili upang dumalo sa pagtitipon ni Pope Francis sa UST sa Enero 18. Bukas ang okasyon sa publiko at walang ticket na ibebenta para rito. - Leslie Ann G. Aquino