SINABI ng American pop singer na si Lance Bass na Bye Bye Bye na sa kanyang buhay binata matapos niyang pakasalan si Michael Turchin noong Sabado sa Park Plaza Hotel sa Los Angeles.

Naging magarbo ang kasal nina Lance at Michael. Sa katunayan, sinabihan nila ang kanilang 300 bisita na magbihis na ‘tila nanonood sa royal couple na sina Kate Middleton at Prince William.

“We said, ‘Imagine you are going to a royal wedding but at the Met Ball,’” pahayag ni Bass, 35. “People are going to have a lot of fun with their outfits. We hope they go over the top with tons of color… A girl could wear a wedding dress if she wanted to. That is how crazy and avant-garde this wedding could get.”

Kabilang sa mga naimbitahan nila ang kanilang mga kaibigan, ang bandmates ni Lance na sina Joey Fatone, Chris Kirkpatrick at JC Chasez, (hindi nakadalo si Justin Timberlake dahil nasa Georgia ito), Carmen Electra, Kris Jenner at ang bagong nobyo nito na si Corey Gamble at si Lisa Vanderpump.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Namuno sa seremonya ang matalik na kaibigan nila na sina Jamie-Lynn Sigler at JoAnna Garcia Swisher. Sa reception naman ay sina Chasez at Kristin Chenoweth ang kumanta para sa first dance ng bagong kasal.

“I could not be more excited right now. This is a day that you look forward to your whole, entire life. This is supposed to be the best day of your life and I can’t believe it’s happening right now,” pahayag ni Lance.

“We are so excited, we’ve been waiting for awhile, we’re beyond excited,” dugtong ni Michael.

Ito ang unang pagbubunyag ng isang American television sa kasal ng dalawang lalaki.

“As a little kid from Mississippi , I would have loved to have seen something like this on my television because there’s a lot of little kids out there in small towns that need something like this,” sabi ni Lance.

Nagsimulang lumabas ang dalawa noong Disyembre 2011 at nagkasundo para magpakasal noong Labor Day taong 2013. Makalipas ang isang taon, muli silang nagkayayaan para magpakasal sa ikalawang pagkakataon.

“Who gets proposed to a second time on the first anniversary of the first proposal?? This guy!!!” paglalalarawan ni Michael sa Instagram. - Yahoo News/Celebrity