Walang mangyayaring balasahan sa Department of Health (DoH) hanggang walang naitatalaga si Pangulong Benigno S. Aquino III na bagong kalihim ng DoH bilang kapalit ng nagbitiw na si Secretary Enrique Ona.

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na mananatili ring officer-in-charge ng DoH si Undersecretary Janette Garin hanggang walang naitatalaga sa puwesto.

“The President has not yet decided on who to appoint (as) the successor to Secretary Ike Ona, so ang mangyayari status quo muna tayongayon. Usec. Janette Garin will bethe Acting Secretary of Health until any permanent appointment hasbeen announced,” sabi ni Lacierda.

Tikom naman ang bibig ni Lacierda sa nilalaman ng resignation letter ni Ona na isinumite nito kay Pangulong Aquino.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Kung ano ang reason ng pagtanggap ng resignation ni Secretary Ona, we do not have any information in that regard. What we were told and as mentioned by Secretary (Sonny) Coloma yesterday is that the Executive CamiaSecretary informed Secretary Ike Ona of the President’s acceptance of his resignation. Other than that statement, we have no information anymore,” pahayag ni Lacierda.

Aniya, pinag-aaralan pa ni Aquino ang report ni Ona hinggil sa kontrobersiyal na pneumococcal conjucate vaccine (PCV) 10.

“The President deemed it best to accept the resignation. Hindi natin alam ang context kasi ng resignation letter, so it’s a matter between the President and Secretary Ike Ona, so we will leave it at that in the meantime,” pahayag ni Lacierda.

Tiniyak din ng opisyal na hindi maapektuhan ang mga proyekto ng DoH matapos ang pagbibitiw sa puwesto ni Ona.