SEOUL, South Korea (AP) – Nagpanukala ang North Korea ng isang joint investigation sa Amerika kaugnay ng hacking laban sa Sony Pictures Entertainment, nagbabala ng “serious” consequences kung tatanggihan ng Washington ang imbestigasyon na pinaniniwalaan nitong maglilinis sa pangalan ng Pyongyang na sinisisi sa cyberattack.
Nakikita naman ng mga analyst bilang isang tipikal na panloloko ang nasabing panukala ng North Korea upang kunwari’y ipakita nito ang sinseridad, bagamat alam naman ng komunistang bansa na hindi tatanggapin ng Amerika ang nasabing mungkahi para sa pinag-isang imbestigasyon.
Una nang sinisi ng mga opisyal ng gobyerno ng Amerika ang North Korea sa hacking, tinukoy ang tools na ginamit sa pag-atake sa Sony at sa mga naunang cyberattack na iniuugnay sa North, at nangakong maghihiganti.