Niyanig ng halos 6.0 magnitude na lindol ang bahagi ng Eastern Samar kahapon.
Sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 8:25 ng umaga nang maitala ang pagyanig sa layong 79 kilometro, hilaga-silangan ng bayan ng Hernani.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 10 kilometro.
Intensity 1 naman ang naramdaman sa Tacloban City at Catbalogan City.
Walang naiulat na pinsala sa lindol na posibleng magkaroon ng aftershocks.