Magandang balita sa mga Meralco consumer.

Pinal nang iniutos ng Court of Appeals (CA) Special Second Division na i-refund ng Meralco at Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) ang mahigit P5 bilyon na sobra nitong siningil sa mga consumer.

Sa desisyong sinulat ni Associate Justice Danton Bueser, ibinasura niya ang petition for certiorari na inihain ng PSALM na kumukuwestiyon sa mga direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong Marso 4, 2013 at Hulyo 1, 2013 na nag-aatas ng refund sa mga consumer.

Nag-ugat ang nasabing utos ng ERC sa desisyon noong Marso 10, 2010 nang nagpataw ang National Power Corporation (Napocor) at PSALM ng double charging o dobleng singil ang Meralco para sa transmission line costs, at dapat umano itong maibalik sa publiko.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!