DAHIL sa stress na dulot ng panahon ng Pakso, hindi nakapagtataka kung nangangati tayong balibagin ang ating asawa dahil sa hindi pagsang-ayon nito sa ating gusto. ngunit huwag mo namang balibagin ang asawa mo sa ngalan ng Pasko. Upang maiwasang sumabog ang iyong ulo sa galit sa iyong partner in life, may ilang advice ang mga expert nang hindi kayo magsuntukan sa Pasko.
Hindi talaga maiiwasan na uminit ang iyong ulo, lalo na kung nagagahol ka na sa panahon, may mga bibilhin at babaluting regalo, kulang-kulang pa ang iyong ingredients sa noche Buena, napundi ang inyong Christmas lights… at ni hindi ka man lang tulungang magsolve ng ilang problema sa bahay ng iyong asawa. Dagdag pa rito ang masasamang balita ng nakawan, snatching, atM scam, at matinding trapik lalo na sa mga lugar na malapit sa mall. Kung inisip mo ang lahat ng ito, lahat ng bagay, pati na yaong maliliit, ay puwedeng pagsimulan ng away ninyong mag-asa. ngunit kung mapagkakasunduan ninyong idaraos ang panahon ng Pasko nang masaya at mapayapa, malamang na iyon nga ang mangyayari. Kaya narito ang ilang tips upang maiwasan ang init ng ulo – kahit pa biglang umeksena ang iyong motherin- law at pinipindut-pindot niya ang iyong maseselang ugat sa utak.
Ang ugat ng pag-aaway: Buong taon hindi mo nakikita ang iyong mga magulang, ngunit naiinis ang iyong asawa sa ideya pa lamang na sa pamilya mo kayo magpa- Pasko, kaya naiinis ka na rin sa kanya.
Paano iiwasan ang magsuntukan kayo: Gayong gusto mong maglaan ng maraming oras kapiling ang iyong pamilya, huwag mong planuhing mamalagi kayo sa kanila ng 24/7 kung nais mong manatili ang kapayapaan ninyong mag-asawa. Magtakda ng oras na puwede kayong tumakas upang mapag-usapan nang sarilinan ang kung anong namumuong problema sa inyong pansamantalang pagtigil sa iyong pamilya. Puwede kayong mamasyal sa mall o magsimba o manood ng sine, o kung saan na puwede kayong mag-usap nang walang hadlang. Makatutulong ito na mairaos ninyo ang panahon ng Pasko nang walang bigat sa kalooban o namumuong galit sa isa’t isa. Kung wala kayong oras na makatakas, lalo lamang lalala ang situwasyon sa inyong pamamalagi sa iyong pamilya hanggang sa humantong ito sa sigawan o pisikalan sa harap ng iyong pamilya.
Bukas uli.