PINASAYA ng aktor na si Ansel Elgort ang kababaihan. Nagsalita na ang 20- anyos na The Fault in Our Stars at Divergent actor noong Biyernes tungkol sa kumakalat na usap-usapan sa online na siya ay bakla.

Matatandaang naghiwalay na sila ng matagal na niyang girlfriend na si Violetta Komyshan noong Agosto matapos nilang lumabas sa publiko noong Hunyo.

Sa GQ Men of the Year Issue, isiniwalat ni Elgort ang isa sa kanyang mga sekreto upang maakit ang mga babae. Siya ay matagal nang nangongolekta ng maliliit na pigura, na ayon sa paglalarawan ng nasabing magasin ay, “collectible trees and warlocks and dragons” (many from the world of George R.R. Martin).

“There was always this stigma, like, ‘Oh, girls will be turned off by that kind of thing.’ But it’s totally the opposite,” pahayag ng aktor. “Girls love it when you have some weird nerdy thing in your room. It makes you look less threatening, even though I’m, like, very threatening. I’m the most threatening guy ever.” - Yahoo News/Celebrity
National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?