Masusukat ang kakayahan at kundisyon ng pambansang atleta sa athletics sa pagbabalik ng Philippine Open ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) sa Marso 19-21 sa Laguna Sports Complex.

Ito ang napag-alaman sa newly-elected PATAFA president na si Philip Ella Juico kung saan ay inaasahan nito na maraming mga kabataang atleta ang madidiskubre upang mapunuan ang lahat ng 45 events sa sports.

“We are hoping to discover new talents,” sinabi ni Juico, na umaasang makakamit ang pagkilala at rekognisyon ng kanilang asosasyon ng Philippine Olympic Committee (POC).

Pinalitan ni Juico sa asosasyon ang matagal na namuno at kontrobersiyal na si Go Teng Kok.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We are looking for at least some 25 or more athletes na maisasama natin sa national pool para sanayin natin sa iba’t ibang events na hindi natin nasasalihan in the past years,” paliwanag ni Juico na maagang naghahanda para sa paglahok ng bansa sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16.

Matatandaan na huling lumahok ang athletics team sa Myanmar SEA Games kung saan ay nagwagi sina Edgardo Alejan Jr., Archand Christian Bagsit, Isidro del Prado Jr., Julius Nieras Jr., Jesson Ramic Cid, Eric Shauwn Cray, Henry Dagmil, Mervin Guarte at Arniel Ferreira.