Itinalaga ni Pope Francis ang isang Pinoy bilang bagong miyembro ng Pontifical Commission for the Protection of Minors.

Ayon sa Vatican Radio, isa si Dr. Gabriel Dy-Liacco sa napili upang maging miyembro ng komisyon na binubuo ng mga mamamayan ng iba’t ibang kultura.

Base sa impormasyon mula sa Holy See Press Office, inihayag ng Vatican Radio na si Dy-Liacco ay isang adult and adolescent psychotherapist at pastoral counselor para sa iba’t ibang pangangailangan sa mental health ng mga indibidwal, mag-asawa, pamilya at grupo, kabilang ang mga biktima at nagsagawa ng pang-aabuso.

Kabilang sa mga miyembro ng CPM ay sina Cardinal Seán O’Malley, OFM Cap. (United States), Archbishop of Boston na nagsisilbi bilang President of the Commission at miyembro ng Council of Cardinals na nagbibigay ng abiso sa Papa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Habang sina Monsignor Robert Oliver (United States), Secretary of the Commission, ay nakibahagi sa misyon sa pagbibigay-proteksiyon sa kabataan para sa Archdiocese of Boston, US Conference of Catholic Bishops, at Congregation for the Doctrine of the Faith as the Promoter of Justice.

Si Rev. Luis Manuel Ali Herrera (Colombia) ay Director ng Department of Psychology, propesor ng pastoral psychology sa Conciliar Seminary ng Archdiocese of Bogota, at isang kura paroko.

Habang si Dr. Catherine Bonnet (France) ay isang child psychiatrist, psychotherapist, researcher at author ng child sexual abuse and perinatal violence and neglect.

Dating biktima ng sexual abuse, si Marie Collins (Ireland) ay founder trustee ng Marie Collins Foundation at nagsilbi sa komite na nagbalangkas ng all-Ireland child protection policy, “Our Children, Our Church.” - Leslie Ann G. Aquino