Tiyak nang papasok sa top ten ng WBC rankings si WBC Asian Boxing Council light middleweight champion Dennis Laurente ng Pilipinas matapos na idagdag niya ang bakanteng OPBF crown nang talunin sa 6th round TKO kamakalawa ng gabi si dating Japanese six-division titlist Tadashi Yuba sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Itinigil ng Japanese referee ang sagupaan sa eksaktong 2:38 ng 6th round nang hindi na maipagtanggol ni Yuba ang sarili kaya naidagdag ni Laurente sa kanyang mga titulo ang OPBF title.

Dating Philippine, PABA at OPBF lightweight titlist si Laurente bago naging PH welterweight champion kung saan matagal siyang nakalista bilang contender ni WBC 147 pounds champion Floyd Mayweather Jr.

Nakalista lamang si Laurente ngayon na No. 14 sa light middleweight division na si Mayweather din ang kampeon kahit aktibo siya at sunud-sunod ang panalo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Una rito, tinalo ni PH No. 2 light middleweight Ariel Tinampay si Koshinmaru Saito ng Japan sa 2nd round TKO upang mailinya sa Philippine title bout na mababakante sa pagwawagi ni Laurente sa OPBF belt.

Dating PH welterweight titlist si Tinampay na kumakampanya ngayon sa Australia at nagtala ng apat na panalo sa limang laban mula nang hawakan ng Aussie manager na si Brendon Smith.