Carla Abellana

DAMANG-DAMA na ang Kapaskuhan lalo na sa expert kitchen planning partner na Del Monte Kitchenomics na maghahatid ng mga putaheng swak na swak para sa holiday season.

Hindi dapat mag-alala ang mga baguhan sa kusina dahil may mga simple at easy to prepare recipes na puwedeng lutuin sa Noche Buena, katulad ng Pasta With Shrimps at ang Classic Fruit Salad na mapapanood sa December 21 at 27.

Sa December 20, ang resident chef at mommy na si Jackie Ang Po at ang Kapuso leading lady at foodie na si Carla Abellana ay maghahanda ng Classic Mechado, ang all-time favorite Noche Buena dish na tamang-tama at perfect para sa buong pamilya.

National

DOH, nagbabala vs. imported Mpox vaccines

Sa December 24 at 28 naman, ipapakita nina Chef Jackie at Carla kung ano ang maaaring gawin sa Noche Buena leftovers sa paghahanda nila ng back-to-back na sorpresa, ang Ham and Eggplant roll-ups at Ham-Pineapple in a cup.

Samahan sina Carla at Chef Jackie ngayong December at i-enjoy ang madali at abot-kayang mga recipe ng Del Monte Kitchenomics, ang expert kitchen planning partner that provides you recipes for a better life.

Huwag palagpasin ang Del Monte Kitchenomics tuwing Miyerkules at Sabado bago ang The Ryzza Mae Show at tuwing Linggo 12:05 PM sa GMA-7.