MILWAUKEE (AP)- Sinabi ng isang personahe na may direktang kaalaman sa sitwasyon na mawawala si Milwaukee Bucks rookie Jabari Parker sa kabuuan ng season sanhi ng injury sa kaliwang tuhod.
Ito ang sinabi ng source na ayaw ipabanggit ang pangalan sa The Associated Press kahapon dahil na rin ‘di sila otorisado hanggang sa ‘di ipinapahayag ang isyu.
Napinsala ni Parker ang kanyang anterior cruciate ligament sa kanyang tuhod noong Martes sa kanilang pagwawagi sa Phoenix. Malaking kawalan ito para sa itinatayong prangkisa na nagsimula sa magandang kampanya sa ilalim ng bagong coach na si Jason Kidd.
Taglay ng Bucks, nagwagi ng 15 mga laro sa huling, ang 13-12.
Napinsala si Parker nang lumundag ito at makipagpambuno sa bola kay Suns’ P.J. Tucker. Parker, ang second-overall pick sa nakaraang draft, kung saan ay may average siya ng 12.5 points at 5.6 rebounds kada laro sa taon na ito.
Unang iniulat ng ESPN ang nasabing injury sa forward.