Isang Islander-type aircraft ang nabalaho matapos lumagpas sa runway sa Basco Airport sa Batanes kahapon.

Ayon sa ulat ni Basco Airport Officer-in-charge Wilfredo Cabitac, bumalaho ang BN Islander aircraft na may tail number RP-C1320 sa kaliwang bahagi ng runway dakong 12:52 kahapon ng hapon.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pitong pasahero at dalawang crew na lulan ng eroplano, ayon kay Cabitac.

Napag-alaman din ng airport authorities na ang 12-seater plane ay pagaari ng North Sky.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagsagawa ng imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang insidente. (Ariel Fernandez)