Derek Ramsay

SA pagpasok ng Bagong Taon, ihahain ng Happy Network ang ilang bago at masasayang programa para sa mga manonood.

Mula sa malaking free-for-all countdown sa bisperas ng Bagong Taon na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle, nais ng TV5 ang magbigay ligaya, inspirasyon, at saya sa paghahain ng mga bagong programa.

Kasama sa mga programang ito ang Hi-5 Philippines, ang local na edisyon ng sikat ng children’s show; Happy Wife, Happy Life, na magpapakikita ng buhay ng mga sikat na PBA stars at ng kani-kanilang asawa; E5 na showbiz, fashion at lifestyle program; at ang Extreme Challenge: Kaya Mo Ba ‘To na magtatampok ng iba’t ibang kagila-gilalas na stunts kasama si Derek Ramsay at mga kalahok ng The Amazing Race Season 2.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Inihahanda na rin para mapanood sa 2015 ang mga comedy programs tulad ng Mac and Chiz na pagtatambalan nina Derek Ramsay at Empoy Enriquez, Two and 1/2 Daddies na unang pagsasama-sama at pagbibidahan ng magkakapatid na Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari, at ang No Harm, No Foul na pangungunahan ni Ogie Alcasid at ng mga higante ng PBA.

Kasama rin sa bagong lineup ng mga programa ang mga talent search tulad Rising Stars, Last School Standing, at Move It: Clash of the Street Dancers, at mga programang pangkalusugan, pag-ibig, at problema sa buhay tulad ng Solved Na Solved, Call Me Papa Jack, at Healing Galing.

Ilan lang ang mga ito sa mga bagong programang ihahain ng TV5 para sa mas masayang panonood sa darating na Bagong Taon.