TAAL, Batangas - Patay ang isang 48-anyos na lalaki matapos siyang saksakin sa dibdib at pagbabarilin ng mga holdaper sa Taal, Batangas.

Dead on arrival sa Batangas Provincial Hospital si Nestor Castillo, taga-Barangay Bihis, Sta. Teresita.

Ayon sa report ni SPO1 Simeon De Leon, dakong 2:40 ng hapon noong Disyembre 15 ay nag-aabang ng masasakyan si Castillo galing sa sabungan nang harangin siya ng dalawang suspek na lulan sa motorsiklo sa highway ng Barangay Laguile sa Taal.

Tinutukan umano ng kutsilyo ang biktima, pero nanlaban siya at tumangging ibigay ang wallet sa holdaper kaya sinaksak sa dibdib si Castillo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matapos makuha ang pakay, pinagbabaril pa umano ang biktima gamit ang isang .45 caliber pistol.