Dingdong & Marian

IDINAAN sa malakas na tawa ng bida ng MMFF entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 na si Dingdong Dantes nang hingan siya ng reaksiyon tungkol sa pagkakapasok diumano niya sa latest survey ng possible senatoriables sa 2016 elections. 

“Talaga? Tumawa lang talaga ako,” patanong na winika ng Kapuso Primetime King. “If you ask me right now, I really don’t have any plans. Sa ngayon po talaga ang concentration ko is to build my family.

Ang tinutukoy ng aktor ay ang nalalapit na kasal nila ni Marian Rivera sa December 30 sa Immaculate Conception Cathedral sa Lantana St., Cubao. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sabi pa niya, eighty percent nang plantsado ang bawat detalye ng kanilang kasal. “May mga inaayos pa pero okay na naman. “

Plano nina Dingdong at Marian na magkaroon agad ng baby pagkatapos ng kanilang kasal.

“Sana po. That’s the plan,” sabi ng groom-to-be.

May nag-suggest na para makabuo agad ng baby, kailangang magpahinga sa showbiz commitments si Marian. “Kung pinagpala po eh, ‘yun ang mangyayari. “

Or both of them should slow down sa kani-kanilang trabaho. 

“No naman. It depends on the circumstance if kunyari kapag may baby na ho. Pero sa ngayon kasi wala naman kasiguraduhan and para sa amin, marriage naman doesn’t mean that it’s the start of slowing down when it comes to your job or your career as an actor kasi parang all the more nga dapat mahalin mo ito because you’re doing it now for a family, for your wife,” paliwanag ng aktor. 

Sa isang interview, sinabi ni Marian na willing itong bigyan ng maraming anak si Dingdong. Ano ang reaksiyon niya sa tinuran ng kanyang future wife?

“Likewise. Likewise,” matipid na sagot ng binata. 

Hindi ba sila humingi ng bakasyon sa GMA Network to be able to fulfill their dream of a honeymoon abroad pagkatapos ng kanilang kasal?

“Humingi po kami ng leave pero sandali lang although ‘yung sa akin eh, mga less than a month,” lahad ng kausap namin. 

So, saan na ang kanilang honeymoon? 

“Actually, may deadline kami doon sa nagbo-book sa amin, eh. Dapat by tomorrow (December 12 dapat) meron na kami. “

Anong bansa?

“Europe siguro. Option ‘yun. Option namin pero wala pa ngang kasiguraduhan, eh,” pahayag ng National Youth commissioner. 

Pagkatapos ng kanilang honeymoon, balik-trabaho agad si Dingdong bilang host ng ibabalik na Starstruck ng Kapuso network. 

“Sa akin Starstruck. Kay Marian, alam ko may niluluto silang soap opera. Yes, January. Alam ko, sa ngayon, second week (of January) na,” pahayag pa ng aktor.