Inihayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim S. Jacinto-Henares na maaaring magsumite hanggang sa susunod na buwan ng aplikasyon sa tax deduction ang mga negosyante at propesyunal na nalugi bunsod ng bagyong “Ruby.”

Sinabi ng mga senior revenue official na inaasahan na nilang may malaki ang ibaba ng kanilang koleksiyon sa buwis sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad, partikular sa Eastern , Central at Western Visayas at ilang lugar sa Southern Tagalog.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot sa P3.2 bilyon ang halaga ng nasalantang ari-arian at agrikultura bunsod ng pananalasa ng bagyong “Ruby.”

Sa ilalim ng Tax Code, maaaring isumite ang statement of loss sa loob ng 45 araw matapos nangyari ang kalamidad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dapat ding magsumite ang aplikante ng tax deduction ang detalye ng pananalasa ng bagyo, oras nang mangyari ito at lugar kung saan may nasirang ari-arian.

Ang mga loss na saklaw ng insurance ay hindi tax deductible, ayon sa BIR.

Inatasan din ng BIR ang mga aplikante na kumuha ng police report kung sila ay nabiktima ng panloloob o pagnanakaw sa kasagsagan ng bagyo para sa kanilang loss claim. - Jun Ramirez