Si Chacha kasama ang Philippine team winners at ang kanilang mentors

TINANGHAL na 2nd place winner si Chacha Cañete sa Europop 2014 sa Berlin, Germany sa10-13 age group category noong Nobyembre 28-30.

Bilang pinakabata at pinakamaliit na contestant sa international singing competition, tinalo ni Chacha ang 17 iba pang kalahok sa kanyang category, ang pinakamahirap na pangkat sa age brackets.

Si Chacha ang tumanggap ng silver medal para sa kanyang inawit na The Impossible Dream bilang worldwide hit entry niya at Wish para sa kanyang original song/national hit performance. Ang kantang Wish ay original song ni Chacha na tampok sa kanyang Bulilit Rockstar album.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ang mga puntos ng mga kanta ng participants ay pinagsama-sama para malaman ang mga nagsipagwagi.

Naging crowd charmer at audience favorite si Chacha sa naturang patimpalak kaya isa siya sa mga umain ng pinakamalalakas na pinalakpakan habang nagpe-perform. 

Big winner ang Pilipinas sa Europop 2014 dahil panalo rin ang iba pang Pinoy sa ibang mga kategorya. First place si Ana Katrina Ramsey sa 18-24 division;3rd place si Gleenete Gaddi sa 14-17 division at 4th place naman si Gian Marla Gloria sa 18-24 division.