Magandang balita uli sa mga motorista, magpapatupad ng big time oil price rollback ang kumpanyang Pilipinas Shell ngayon.
Sa anunsyo kahapon ng Shell, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw sila magtatapyas ng P1.80 sa presyo ng kada litro ng kerosene, P1.55 sa diesel at P1.35 naman sa gasolina.
Asahan ang pagsunod ng ibang oil company sa ipinatupad na rollback sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.
Ang bagong bawas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ito na ang ika-23 beses na rollback sa diesel at gasolina na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong taon.
Dahil sa patuloy pang pagbaba ng presyo ng petrolyo, inihirit ng mga pasahero sa gobyerno na panahon na rin upang maibaba ang pasahe sa bus, UV Express at flag down rate sa taxi sa Metro Manila.
Unang bumaba sa P7.50 ang minimum na pasahe sa jeepney mula sa dating P8.50 sa kada apat na kilometro epektibo nitong Disyembre 12 dahil sa pagbaba ng halaga ng langis.