Hiniling ni Senator Aquilino Pimentel III sa airport authorities na magkabit ng mga CCTV camera sa loob at labas ng mga paliparan upang magdalawang-isip ang sinuman na may nais gawing masama.

Ayon kay Pimentel, sa ganitong paraan ay maiiwasan din ang kriminalidad malaki man o maliliit.

Inihalimbawa ni Pimentel ang naganap na pag-ambush sa grupo ni Iligan Rep. Vicente Belmonte noong Huwebes na ikinamatay ng apat na kasamahan nito.

Aniya nagkaroon din ng pananambang sa isang alkalde sa Mindanao paglabas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ilang taon na ang nakalilipas.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Hanggang ngayon ay wala pang suspek sa pamamaril kay Mayor Ukol Talumpa ng Labangan, Zambaonga City at tatlong iba pang nadamay.

Sa ikalawang, pagkakataon, sinabi ni Pimentel na walang mga CCTV camera sa mga lugar.