Tuluyang naghigpit ang Commission on Audit (COA) sa pagpapalabas ng istriktong kautusan sa lahat ng national sports association’s (NSA’s) na nagnanais makakuha ng suportang pinansiyal at karagdagang pondo mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ang sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia hinggil sa nilalaman ng memorandum ng COA na nagpahayag ng istriktong polisiya ukol sa probisyon sa pagbibigay ng pondo sa iba’t ibang NSA.

Ipinahayag ni Garcia ang kautusan sa pulong noong Miyerkules ng POC Board kung saan ay ipinaliwanag mismo ng COA sa mga NSA na magsumite ng kanilang kopya ng Securities and Exchange Commission registration, Constitution and By Laws, mga lehitimong opisyal, pinakahuling resulta ng isinagawang eleksiyon at ang certification of membership na mula sa Philippine Olympic Committee (POC).

“Agad na ipatutupad ang implementasyon ng nasabing guidelines,” sabi ni Garcia. Ilang NSA ang nanatiling binabalewala ang kanilang mga responsibilidad, tulad na lamang ng kanilang dapat na isagawang eleksiyon na nagresulta ng kaguluhan sa kanilang liderato.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaan na ilang NSA ang nasangkot sa pagkakaroon ng dalawang pamunuan bunga na rin ng kaguluhan sa mga nakukuhang pondo mula sa ahensiya ng gobyerno.

Gayunman, sinabi ni Garcia na lubha ring nahihirapan ang ahensiya na habulin ang mga personahe at opisyales na nakatala sa mga NSA kapag nagkakaroon ng problema sa liquidation.