Iniulat ng Department of Agriculture na nakumpleto na ang 87.1 porsiyento ng 2nd Cordillera Highland Agricultural Resource Management Project (CHARM2) bilang inisyatibo ng pamahalaan na isulong ang kaunlaran sa kanayunan sa bansa.

Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala, sa kabuuang 8,500 ektarya, kabilang ang ginagawa sa watershed conservation at reforestation component ng proyekto ay 8,566 ang itinanim.

Aniya, sa bahagi ng proyekto na agro forestry, 2,050.66 sa tinarget na 2,174.04 ay nakapagtanim habang ang nalalabi na 123.34 ay itatanim din sa pagtatapos ng 2014.

Ang CHARM2 ay ikalawang bahagi ng proyekto ng Department of Agriculture at ang CHARM1 ay nakatuon sa pag-unlad ng mga komunidad ng katutubo sa tatlong lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR) -- ang Abra, Benguet at Mountain Province.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dahil sa pag-unlad ng CHARM1, lumawak ang CHARM 2 sa kasalukuyang implentasyon sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province.

Ayon kay Sec. Alcala , kailangan ng mas malakas ang institutional structure ng katutubo sa ilalim ng CHARM1.

Sa pagtatapos ng Oktubre, 312 reforestation at agroforestry people’s organization ay dumaan sa proseso, kabilang ang 602 livelihood interest groups, 55 irrigators’ associations at 28 barangay waterworks and sanitation associations sa 170 proyekto ng barangay.

Sumailalim din sa capacity development training ang barangay project monitoring at evaluation teams ng mga barangay.