MARIA AURORA, Aurora – Umaabot sa P792,000 ang tinanggap ng 132 rehistradong senior citizen sa bayang ito mula sa social pension na kaloob ng regional office ng Department of Social Welfare and Development sa Central Luzon.

Bawat miyembro ay tumanggap ng tig-P6,000 na katumbas ng P500 buwanang social pension para sa loob ng isang taon, ayon kay Loreto Binuya, pangulo ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ng bayang ito.

Sinabi rin ni Binuya na patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga senior citizen na nakatira sa mga liblib na lugar upang alamin ang kundisyon at kung papaano matutulungan ang mga ito. - Ariel P. Avendaño
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20