Vice Ganda

SA presscon ng kanyang pambatong The Amazing Praybeyt Benjamin na ngayon pa lang ay kini-claim na niyang magiging number one sa darating na Metro Manila Film Festival ay tahasang pinasinungalingan ni Vice Ganda na magiging malamig ang kanyang Pasko.

Wala raw katotohanan ang sinasabi ng iba sa kanya na wala siyang kayakap sa Holiday seasons.

“Hindi magiging malamig ang Pasko ko. Ako na ang maysabi sa inyo na maling-mali ang alam ninyo. Basta never na magiging malamig ang Pasko ko, masayang-masaya ako sa mga araw na ‘yun,” banggit pa ni Vice.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sinigurado ng TV host/comedian na may inspirasyon siya at hindi raw ‘yun puwedeng mawala sa kanya. Deserving naman daw siya sa ganoong bagay.

“Kailangang may inspirasyon tayong lahat. Hindi p’wedeng wala. Kailangan nating maging maharot at kailangang kiligin din naman tayo. Kumbaga, pandagdag ‘yan sa mga tawa at mga kasiyahan na kailangan naman natin, di ba?“ balik tanong pa ng Best Male TV Host ng Star Awards for TV.

‘Yun nga lang, ayaw naman niyang magbigay ng detalye tungkol sa taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Ayoko na munang magbigay pa ng anumang details. Basta, siyempre para sa akin, guwapo, ‘no, at basta, hanggang diyan na lang muna,” banggit pa ng pinakasikat na komedyante sa ngayon.

Hindi masisisi si Vice kung kailangan man niyang itago ang kanyang lovelife bagamat hindi naman niya ito maitatago forever. So, kagaya nang dati, kung kailan nagkahiwalay ay saka lang malalaman ng lahat ang identiy ng karelasyon niya?

“Well, basta… oo,” nakakatawang sagot niya.

Hindi raw siya mapapagod umibig. Pagdating daw sa pagmamahal, dapat ay walang kapaguran ang lahat.

“Kung gusto mong mapagod na, eh, dapat matigok ka na lang,“ napatawa pang lahad ng nag-iisang Vice Ganda.

Kaya laging bukas ang puso niya sa lahat ng mga bagong papasok na pag-ibig. Kapag isinara raw niya ‘yun, tiyak na wala na siya sa mundong ibabaw, huh!