Inanunsiyo kahapon ng Department of Education (DepEd) ang suspensiyon ng klase ngayong Lunes sa mahigit sa 30 lugar bunsod ng bagyong “Ruby.”

Ipinaskil ng DepEd sa Facebook account nito ang anunsiyo na may titulong “(TY Ruby) Class suspension for December 8, 2014” kung saan nakasaad ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa Cavite (hanggang bukas, Disyembre 9) Quezon Province, at Rizal Province sa Region 4-A; Oriental Mindoro sa Region 4-B; Camarines Sur, Camarines Norte sa Region 5; Talisay City, Lapu-lapu City, Mandaue City at Carcar City sa Region 7; Parañaque, Pasay, Navotas, Valenzuela, Pasig, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Makati, Marikina, Mandaluyong, San Juan, Las Piñas at Malabon sa National Capital Region.

Sinuspinde rin ang klase sa Cebu province bagamat sinabi ng DepEd na magdedeklara ng sariling suspension ng klase ang Cebu City.

Mula pre-school hanggang high school, suspendido rin ang klase sa Coron, Culion at Busuanga sa Palawan at maging sa Sorsogon sa Bicol Region.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Suspendido rin ngayong Lune sang klase sa pre-school sa Dumaguete City.