AMADEO, Cavite – Isang estudyante sa high school ang natagpuang patay makaraang barilin umano ng kanyang kainuman sa isang madamong bahagi ng Barangay Poblacion V sa Amadeo, sinabi kahapon ng pulisya.

Kinilala ni Senior Insp. Bismark S. Mendoza, hepe ng Amadeo Police, ang napatay na si Robert Velasco Guliman, 17, fourth year sa Amadeo National High School.

Sinabi ni Mendoza na binaril si Guliman makaraang sapakin ng suspek sa gitna ng kanilang pagiinuman, kasama ang dalawang iba pa.

Pansamantalang hindi pinangalanan ni Mendoza ang suspek habang hindi pa ito naaaresto.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi rin ng pulisya na hawak na rin nito ang dalawa pang kasama nina Guliman at ng suspek.

Ayon kay Mendoza, may sama ng loob ang suspek kay Guliman. (Anthony Giron)