TULUY-TULOY ang dalang saya ng TV5 bilang Happy Network sa 2015. Bukod sa engrandeng pagsalubong sa Bagong Taon sa darating na New Year countdown na live gaganapin mula sa Quezon City Memorial Circle ay sunud-sunod din ang magbubukas na bagong programa na umaapaw sa good vibes at feel-good TV viewing experience.

Kabilang sa new program offerings for 2015 ng TV5 ang Happy Wife, Happy Life na magtatampok sa asawa o ka-partner sa buhay ng sikat na PBA players, What’s the Problem na magiging ‘advice center ng bayan’ sa pangunguna nina Gelli de Belen at Atty.Mel Sta. Maria, Healing Galing nina Dra.Edinel Calvario at Dr. Hayden Kho na magbibigay payo ukol mga maaaring lunas sa iba’t ibang karamdaman; E5 na maghahatid ng pinakamaiinit at pinakabagong happenings sa showbiz; at ang Exteme Challenge: Kaya Mo Ba ‘To? na pangungunahan ni Derek Ramsay kasama ang mga pinag-usapang racers ng The Amazing Race Philippines Season 2.

Mabubusog din ang puso ng buong pamilya sa katatawanang hatid ng Two and ½ Daddies na pagsasamahan sa unang pagkakataon sa telebisyon ng magkakapatid na Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari, Mac and Chiz na pagbibidahan ng ‘magsing-guwapo’ at ‘magsing-kisig’ na sina Derek Ramsay at Empoy Marquez, at ang No Harm No Foul tampok si Ogie Alcasid kasama ang PBA players na handa nang tumawid sa mundo ng showbiz. Kasama rin sa 2015 new offerings ng TV5 ang Call Me Papa Jack ng sikat na radio host at love guru na si Papa Jack, ang kakaibang singing search na Rising Stars, at marami pang iba.

Lalo pang magiging happy ang televiewers sa pagpasok ng 2015 at handang-handa na ang TV5 para sa bonggang pagsalubong sa Bagong Taon. Inaanyayahan ang lahat sa napakasayang New Year countdown sa December 31 ng gabi at maki-party sa Quezon Memorial Circle o manood nang live sa network na maging happy ang tanging New Year’s resolution, TV5.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary