Hindi na magkakaroon ng imbestigasyon ang Senado sakaling maging ganap ng batas ang Freedom of Information (FOI) bill.
Ito ang paniniwala ni Senator Sonny Angara, dahil sa FOI law ay makikita na ng sambayanan ang lahat ng proyekto na kinakasangkutan ng mga ahensya ng pamahalaan at maging ang mga pulitiko.
“’Pag may FOI na, hindi na kailangan ng Senate investigation para makakalap lang ng impormasyon. ‘Pag andyan na ang ebidensya, kahit ang isang ordinaryong Pilipino pwede na mag-file ng kaso sa isang opisyal sa gobyerno,” paliwanag ni Angara.
Sa ilalim kasi ng inaprubahang FOI bill ng Senado, lahat ng ahensya ng pamahalaan ay obligado na ilagay ang kanilang mga proyekto. Transaksyon, desisyon, at mga pananaliksik sa publiko sa pamamagitan ng kanilang mga web sites.
Pumasa na ang FOI sa Senado noong Marso habang inaprubahan ito ng Kamara nitong nakaaang Linggo.
Tiwala si Angara na maipapasa ang FOI bill, at may aayusin na lamang sila sa bi-cameral conference.
Inilarawan ni Angara ang FOI bilang tahimik na rebolusyunaryong polisiya ng alinmang bansa na mayroong ganitong batas.
“I’m confident that we will pass it. The question is when will we pass it. Is it gonna be sooner or later? If we do it later, all of us will be poorer. Our people will be poorer, our government will be poorer. The FOI law is what I like to call a quiet revolution to policy. Whether we do it sooner or later, it will make a sea change in our political life,” ayon pa kay Angara